-- Advertisements --
Mas paiigitingin pa ng Taiwan ang kanilang military-ties sa US.
Sinabi ni Taiwan President Tsai Ing-wen, na ito ang kanilang tinalakay sa naganap na pag-uusap nila ng ilang mga mambabatas ng US.
HIndi na nagbigay pa ito ng dagdag na detalye at tiniyak na lamang na paiigtingin nila ang ilang military activities ng dalawang bansa.
Isinagawa ang pagbisita ng ilang mga mambabatas ng US sa Taiwan ilang araw matapos ang pagbabagsak ng US sa umanoy spy balloon ng China.
Magugunitang patuloy na ipinagpipilitan ng China na bahagi pa rin ng kanilang bansa ang Taiwan.










