-- Advertisements --

Muling nagkumahog ang air force ng Taiwan matapos ang pagdaan ng 10 warplanes ng China sa sensitibong median line ng Taiwan Strait.

Ayon sa defense ministry ng Taiwan na bukod pa sa 10 warplanes ng China ay mayroon pang apat na Chinese warships ang nagsagawa rin ng combat patrols.

Ito na rin aniya ang pangalawang beses na sa loob ng isang linggo na mayroong namataang mga Chinese warplanes ang dumaan sa himpapawid ng Taiwan.

Nitong nakaraang Huwebes kasi ay mayroong 37 na mga Chinese military aircraft ang lumagpas sa air defense zone ng Taiwan.

Dahil dito ay agad na pinalipad ngTaiwan ang kanilang fighter jets para akayin palabas ng kanilang teritoryo ang mga eroplanong pandigma ng China.

Magugunitang ipinipilit pa rin ng China na bahagi pa rin ng kanilang bans ang Taiwan.