-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng pamahalaang lokal ng Taguig ang inilabas na OCTA report hinggil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 cases sa Barangay Fort Bonifacio.


Batay sa datos ng Taguig ang naturang barangay ay mayruon lamang 116 COVID-19 cases para sa period ng March 18-24, 2021.

Batay sa isinagawang pagsaliksik ng Taguig’s research team at ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) hinggil sa data mula sa Department of Health (DOH), nabatid na ang 342 cases na naitala ng OCTA ay ang kabuuang kaso na naiulat sa mga laboratories sa nasabing period.

Napasama sa datos ng OCTA ang mga naitalang positive cases na ngayon ay fully recovered na sa sakit, mga cases na naging negative, presumptive positive cases, equivocal cases, inconclusive cases, at maging yuong mga naghihintay ng kanilang swab test results.

Binigyang-diin ng pamahalaang lokal ng Taguig na sa ngayon ang Fort Bonifacio ay mayruon 116 Covid-19 cases, sa nasabing bilang, 42 dito ay active cases.

” It has an estimated 100,000 residents. At 42 cases per 100,000 population, the barangay is well below the national count of 83 active cases per 100,000 population, and the National Capital Region number of 158 active cases per 100,000 population, ” pahayag ni Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Siniguro ng alkalde na ang research team at CEDSU ay masusing kino- collect, counter-check, verify, at analyze ang kanilang COVID-19 data batay sa accepted epidemiologic standards at ang kanilang datos ay naka published sa official website ng Taguig at kanilang official social media account.

Naninindigan ang Taguig sa accuracy at integrity ng kanilang data, dahilan para kanila itong isinasapubliko.

” Through God’s grace and with all the stakeholders’ cooperation, Taguig City has remained among the cities with the lowest reproduction rate, active cases per 100,000, and fatality rate. It is also among the cities with the highest number of RT-PCR tests made,” wika ng alkalde.

Inihayag ni Mayor Cayetano na kanilang na-appreciate ang ginawang trabaho ng OCTA, pero umapela ang chief executive na rebyuhin at i-analyze muli ang data.

” We appeal that they review how they analyze data and report conclusions, as erroneous analyses and conclusions can cause panic, misapprehension, and confusion,” giit ng alkalde.

Pagtiyak naman ng pamahalaang lokal ng Taguig na gagawin nila ang kanilang “best” para mailigtas ang buhay ng mga infected sa Covid-19 at protektahan ang komunidad at maging ang kanilang mga hanapbuhay.