Sa kabila ng pandemya, patuloy ang pagbibigay ng magandang serbisyo ang pamahalaang lokal ng Taguig sa mga consiutuents nito sa pamamagitan ng pagtayo ng mga community centers na mapapakinabangan ng komunidad.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang mga dating pangarap ng siyudad ay naisasakatuparan na ngayon lalo na at pormal ng binuksan ang una sa 19 na multi-level Community Centers—Rockyside Community Center sa Barangay Bagumbayan kahapon, Miyerkules, April 13.
Binigyang-diin ni Cayetano, nais kasi nito na mapalapit sa mga komunidad ang ibat-ibang serbisyo ng gobyerno para sa mga mamamayan lalo na at nasa pandemic parin ang bansa.
Ang bagong bukas na community center ay fully furnished, may common area at lounge area para gatherning ng ibat ibang grupo sa komunidad, meetings, activities, events, at iba pang mga functions.
Ang nasabing Community center ay magsisilbi ding Government Satellite Office, kung saan ang mga City Hall services gaya ng pag isyu ng burial and financial assistance ay dito na iproseso.
Mayruon din itong Child Development Center, na magsisilbing daycare center para sa mga batang Taguigeños.
Mayruon din itong malinis na restrooms para sa mga lalaki, babae at PWDs.
May ibang features din ito gaya ng mga courts para sa basketball, volleyball, zumba, at yoga.
May area din para dito mag station ang ilang tauhan ng Taguig City PNP kasama ang mga Barangay Tanod para mapanatili ang peace and order sa nasabing lugar.
Siniguro ni Mayor Lino sa mga Taguigeños na asahan pa ang mga karagdagang infrastructures na magsisilbi para sa pangangailangan ng komunidad.
Sa ngayon nasa 18 pa na mga community centers ang kino-construct ng siyudad.
Binigyang-diin din ng alkalde na magpapatuloy ang siyudad sa pagtatayo ng mga infrastructures gaya ng evacuation centers at emergency rooms.
“These infrastructure projects are proof that despite the pandemic, Taguig continues to log successes, which benefit our constituents in short and the long run,” pahayag ni Mayor Lino Cayetano.