Ilang minuto pa lamang bago maupo sa pwesto bilang chief executive officer kahapon, June 30,2022, agad binisita ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang kaniyang mga programa partikular ang tatlong priorities ng kaniyang administrasyon ito ay ang sumusunod: Health, Economic Development at Peace and Order.
Binisita ni Mayor Lani ang Taguig Love Caravan sa Barangay Balagtas Covered Court, Lower Bicutan, kung saan ang mga Taguigeños ay nabigyan ng libreng benepisyo gaya ng free medical and dental services, checkups, wellness checks, lab tests, at dental extractions.
Nabatid na taong 2010 ng unang inilunsad ng alkalde ang nasabing programa.
Binigyang-diin ni Mayor Lani na plano nitong palakasin pa ang health programs na pinangunahan ng kaniyang predecessor, si dating Mayor Lino Cayetano lalo na ang programa nito sa paglaban kontra COVID-19.
Bilang bahagi ng kaniyang administration’s economic development thrust, tinungo din ni Mayor Lani ang Work for Pay Orientation na ginanap sa may bahagi ng R.P Cruz Elementary School, kung saan nasa mahigit 200 poverty alleviation program beneficiaries mula sa Barangays New Lower Bicutan, Lower Bicutan, Hagonoy, San Miguel, Tuktukan at Bambang ang lumahok.
Ayon kay Mayor Lani, ang Work for Pay initiative ay isang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged (TUPAD) Workers ng Department of Local Employment (DOLE) na naglalayon na tulungan ang mga apektadong pamilya ng Covid-19 pandemic na hindi kabilang sa national government’s ayuda beneficiaries.
Ang TUPAD program ay pinondohan sa ilalim ng Bayanihan 1 and 2, na ipinasa sa panahon nina now-Senator Alan Peter Cayetano at Mayor Lani na nagsilbing bilang mambabatas.
Pinulong din ni Mayor Lani sina Taguig chief of police Robert Baeza at Barangay Captain Pedrito Bermas ng Western Bicutan barangay kung saan inilatag ng alkalde ang kaniyang mga programa para maging ligtas ang siyudad.
Una ng binigyang-diin ng alkalde na ang kaniyang administrasyon ay ipagpapatuloy ang paglaban sa Covid-19, expanding the economic development and employment sa siyudad at pagpapalakas sa peace and order sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dialogues kasama ang mga stakeholders ng sa gayon mapaigting pa ang anti-criminality efforts ng siyudad.
“With the overwhelming victory of our slate lie a million dreams and a million lives that look up to us for leadership and guidance. Mga ginigiliw kong Taguigeño, handa na ako bilang lingkod-bayan po ninyo, handa na po akong paglingkuran kayo bilang Punong Lungsod ng Taguig. Nawa ay handa na rin po kayong samahan ako,” pahayag ni Mayor Lani.
Nilagdaan din ni Mayor Lani ang kaniyang unang executive order kung saan pormal na-institutionalize ang faith-based values-oriented leadership sa siyudad.
Sa ilalim ng Executive Order No. 2022-01 Series of 2022, nais ni Mayor Lani na ma-establish ang moral uprightness and values formation program ng siyudad, kung saan sinisiguro na ang lahat ng mga Taguig employees ay honest at may integridad bilang “God-centered and people-oriented” local government.
Sa nasabing EO, hindi ito-tolerate ng kaniyang administrasyon ang anumang uri ng korupsiyon.