
Iginagalak ng pamahalaang lokal ng Taguig sa naging pahayag ni Makati City Mayor Abby Binay na kanilang nirerespeto ang naging desisyon ng Supreme Court na isalin o ilipat ang jurisdiction ng 10 barangay’s ng Makati patungong Taguig City.
Siniguro naman ng Taguig City government na makikipag tulungan sila sa Makati City government para sa isang maayos na transition.
Matapos ang ilang taong pagtatalo kaugnay sa jurisdiction ng mga lugar, tinanggap na rin ng Makati ang hatol ng Korte Suprema.
Ginawa ni Mayor Abby Binay ang kaniyang pahayag matapos tinanggihan ng Supreme Court ang omnibus motion ng Makati kung saan hinihingi nito na payagan sila maghain ng second motion for reconsideration.
Bago ang pinakahuling resolusyon na inilabas noong June 2023, tinanggihan na ng Korte Suprema noong Setyembre 2022 ang unang motion for reconsideration.
Batay sa 2021 decision ng Supreme Court ang Fort Bonifacio Military Reservation, na binubuo ng parcels 3 at 4, Psu-2031 , kabilang ang pinagtatalunang 10 barangay, ay bahagi ng teritoryo ng Taguig City sa pamamagitan ng legal na karapatan at makasaysayang titulo.
“Hindi pa kami nakakatanggap ng kopya ng nasabing desisyon ngunit nais kong linawin na igagalang ng Makati ang desisyon ng Korte Suprema,” pahayag ni Mayor Binay.
Ang public consession statement ng natalong partidong Makati ay nangangahulugan na ang dalawang dekada na paglilitis sa pagitan ng dalawa sa pinaka-progresibong lungsod sa bansa ay sa wakas natapos na.
Sa ngayon ang nananatili ay ang pagpapatupad ng makasaysayang pamumuno na may malawak na implikasyon sa parehong lungsod.
Batay sa mga naging pahayag, nais ng dalawang magkatabing LGU na magkaroon ng maayos na transition sa paglipat ng pamamahala.
“Hindi pa kami nakakatanggap ng kopya ng nasabing desisyon ngunit nais kong linawin na igagalang ng Makati ang desisyon ng Korte Suprema,” pahayag ni Mayor Binay.
Samantala, bilang tugon naman ng pamahalaang lokal ng Taguig, siniguro nito ang smooth transition ng sa gayon hindi maapektuhan ang public service.
Tiniyak ng Taguig na nakahanda silang akuin ang responsibilidad sa 10 barangays na malilipat sa kanilang pamumuno.
Umalma naman ang Taguig sa mga naging pahayag ni Mayor Binay na hindi makakayanan ng siyudad ang magbigay ng mga social benefits sa 10 barangays.
Ang mga nasabing isyu na inilahad ng alkalde ay irrelevant at nagsasanhi lamang ito ng anxiety at distrust.
Iminungkahi ng Taguig na bumuo na lamang sila ng joint transition team na siyang makikipag ugnayan sa national government at mga stakeholders para sa mabilis na paglipat ng administrasyon.