-- Advertisements --
tagle pope francis
Cardinal Tagle and Pope Francis (photo from Vatican News)

Gumaling na mula sa COVID-19 si Cardinal Luis Antonio Tagle.

Ayon kay Pontificio Collegio Filipino (PCF) rector Fr. Gregory Gaston, ang paggaling ni Tagle mula sa coronavirus ay isang magandang balita sa buong simbahan.

Nais aniya ng Diyos na ipagpatuloy ni Tagle ang kaniyang misyon sa simbahan.

Una rito, nagpositibo sa COVID-19 ang Prefect of the Vatican’s Congregation for Evangelization of Peoples at president ng Caritas Internationalis dalawang linggo na ang nakalipas nang dumating dito sa bansa.

Huli niyang nakasalamuha si Pope Francis noong August 29 pero hanggang ngayon hindi naman kinakitaan ng sintomas ng virus ang Santo Papa.