TAGLE 2

Pangungunahan ni Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdarasal ng rosary para sa paggaling ng mundo.

Gaganapin ito mamayang alas-9:00 ng gabi kung saan kasabay itong dadasalin ni Tagle mula sa Pontifico Collegio Fillippino sa Rome.

Ang “Healing Rosary for the World” ay isang inisyatibo ng Manila Cathedral na ginagawa tuwing Miyerkules ng gabi.

Patuloy ang panawagan din nito sa mamamayan na makibahagi sa nasabing pagdarasal.