Nais ngayon ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos na pagtuunan ng pansin ng mga otoridad ang pagsawata ng mga masasamang gawain gaya ng paggamit ng pangalan ng isang tao para sa masamang intensiyon.
Kasunod na rin ito ng pagkahuli ng National Bureau of Investigation Special Action Unit (NBI-SAU) ang taong nagpapanggap na siya umano si Atty.Vic Rodrigiez na spokesperson ni president-elect Ferdinand Marcos Jr.
Ang suspek na Ryan Ace Castillejos ay kasalukuyang nakabilanggo sa New Bilibid Prisons.
Sinabi ni Rodriguez na dapat ay pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang ganitong mga modus para hindi makapambiktima ng kapwa Pilipino.
Kung maalala, isinagawa ng NBI ang operasyon makaraang nagreklamo at humingi ng tulong ang tunay na si Rodriguez dahil ginagamit ang kanyang pangalan at pagkatao sa solicitation o pangongolekta ng pera sa pamamagitan ng social media.
Nabatid na hiningian ng suspek sina Rodriguez at Arsenio “boy” Evangelista ng tig-120 thousand pesos bilang donasyon para umano sa mga biktima ng kalamidad.
Ang presong si Castillejos na nagpapanggap sin bilang si OIC PNP Chief Vicente Danao Jr at Luis Araneta Marcos na nakumpiskahan ng cellphone na ginagamit sa kanyang modus ay mahaharap ngayon sa kasong identity theft.