CAUAYAN CITY -Mahaharap sa kasong frustrated homicide ang isang lalaking nanaga ng kanyang kapwa taga pastol ng itik matapos magkaroon ng pagtatalo habang nag-iinuman sa barangay Bantug, Ramon, Isabela
Ang suspect ay si Eric Belga, 36 anyos , tubong Lassam, Cagayan habang ang biktima ay si Lito Antolin ay tubong Amulong Cagayan at kapwa nagpapastol ng itik sa Ramon, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PStaff Sgt. Ramon Ramones, tagasiyasat ng Ramon Police Station na nag-iinuman ang biktima at pinaghihinalaan ng magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Bukod dito anya ay pinagbabantaan umano ng biktima ang pinaghihinalaan.
Kumuha anya ng itak si Belga at tinaga ang biktima sa ulo, leeg at baba na nasa pagamutan na ngayon habang ang pinaghihinalaan ay nasa pangangalaga na ng Ramon Police Station .