Napanatili ni Pedro Taduran ang kaniyang IBF mini-flyweight belt matapos na pabagsakin nito ang challenger na si Gustavo Perez Alvarez sa ika-pitong round.
Dominado ni Taduran ang bawat round sa laban na ginanap sa California.
Tumama ang kaliwang straight sa katawan ng Mexican boxer na siyang dahilan ng kaniyang pagkatumba.
Natapos ang laro sa natitirang 1:34 minuto ng ikapitong round.
Ang knock out win ay siyang unang laban ng 29-anyos na si Taduran.
Mismong si Pinoy boxing icon Manny Pacquiao ang nagpresenta ng IBF title belt para sa Libon, Albay native boxer.
Mayroon ng record ngayon si Taduran ng 20 panalo, apat na talo at isang draw kasama na ang 14 na knockouts.
Habang ang 27-anyos na si Perez ay mayroong 16 na panalo at dalawang talo na may 1 knockouts.















