-- Advertisements --

Balik sa pagiging head coach ng Gilas Pilipinas si Tab Baldwin.

Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas na pamumunuan ng American-Kiwi coach ang pagsabak ng Gilas sa final window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers at FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Bilang SBP program director ay sinabi ni Baldwin na isang karangalan para sa kaniya ang nasabing trabaho.

Umaasa ito na maibabahagi niya ang kaniyang karanasan sa international coaching at familiarity sa mga laro sa ibang bansa.

Magugunitang naging Gilas Pilipinas coach si Baldwin noong 2014 kapalit ni Chot Reyes.

Tatlong beses niyang pinagkampeon ang Ateneo de Manila University sa UAAP titles.
Naging coach na rin ito sa mga bansang New Zealand, Lebanon at Jordan.