-- Advertisements --

Sisimulan sa buwan ng Enero sa susunod na taon ng Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund ang taas singil mga miyembro nila.

Sinabi ni PAG-IBIG chief executive officer Marlene Acosta na matagal na dapat naipatupad ang premium hike subalit dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic kaya nila ito ipinagpaliban.

Naaprubahan na aniya na ito ng board at hinihintay na lamang nila ang approval umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nakita nitong hindi kinontra ng Malacañang ang nasabing taas-singil.

Dagdag pa nito na ang magiging average premium na ng bawat empleyado ay P200 ganun din ang halaga na babayaran ng employer.

Depensa pa nito na dahil sa taas singil ay magkakaroon ng mas maraming housing units para sa 15.6 active members nito.