-- Advertisements --
Asahan na ang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa mga susunod na linggo.
Ito ay matapos na magpataw ang gobyerno ng dagdag na buwis sa mga imported na langis.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na hindi bababa sa P0.84 ang itataas sa kada litro ng diesel, P0.60 ang kada litro ng gasolina at P0.55 sa kada litro ang itataas sa kerosene dahil sa import duty.
Posible rin magtaas ang presyo ng mga liquefied petroleum gas (LPG) na maglalaro mula P1.30 hanggang P3.00 ang itataas sa kada kilo ng 11 kgs. ng LPG tank.