-- Advertisements --
Nagpatupad ng dagdag presyo ang mga kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG) epektibo sa unang araw ng Marso.
Ayon sa Petron na mayroon silang dagdag na P0.30 na pagtaas kada kilo o katumbas ng P3.30 sa 11- kilogram na tanke.
Habang ang Regasco ay nagpatupad ng P0.50 sa kada kilo at ang Solaine ay mayroong pagtaas din ng P0.30 sa kada kilogram ng LPG.
Itinuturong dahilan ng taas presyo ay ang contact price nito mula sa ibang bansa.