-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang pagtaas ng presyo ng mga pamasahe ng eroplano sa susunod na buwan.
Ayon sa CAB na mula Marso 1-31 ay itinaas sa level-7 ang surcharge.
Inihalimbawa nito para sa mga domestic flights na ang mga pasahero ay sisingilin ng fuel surcharge mula P219 hanggang P739 depende aniya ito sa layo.
Habang sa mga international flights ay mayroong fuel surcharges na mula P722.71 hanggang P5,373.69 ang idadagdag.
Magugunitang maraming mga airline companies sa bansa ang pinaigting ang kanilang promos matapos ang pagdami ng mga Filpino ang bumiyahe mula ng luwagan ng gobyerno ang COVID-19 restrictions.