-- Advertisements --

Muling tumataas ang ibinubugang asupre ng bulkang Taal nitong nakalipas na mga araw.

Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naging kapansin-pansin ang degassing mula sa main crater nito.

Na-detect ng PHIVOLCS ang naturang aktibidad bandang hating gabi ng ika-11 Marso.

Dagdag ng ahensya, tumataas din ang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas emission nito na nagsimulang tumaas noong March 6.

Umaabot sa 15,900 tons per day ang naitala simula noong ika-9 Marso.

Sa kabila ng pagtaas ng aktibidad ng bulkan nanatiling nasa Alert Level 2 ang bulkang Taal.

Nakapagtala naman ang PHIVOLCS ng galing volcanic earthquakes at apat na volcanic tremors na tumagal mula dalawa hanggang walong minuto.