CAUAYAN CITY – Nagkukulang na ang tubig at inumin sa Laurel, Batangas dulot ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Fire Officer 2 Sherwin Hernandez ng Laurel-Bureau of Fire Protection, na bagama’t mayroong nagbibigay ng inuming tubig ay nagkukulang pa rin.

-- Advertisement --

Hindi lamang inuming tubig ang kanilang kinakailangan, pati panligo at magamit sa mga banyo.

Sinabi pa ni FO2 Hernandez na nangangailangan sila ng krudo para sa kanilang generators at sa mga sasakyan na ginagamit sa kanilang rescue at evacuation operations.