-- Advertisements --

Nagtala ang Switzerland ng record dahil sa pagkakaroon ng pinakamahabang pampasaherong train.

Ang Swiss railway ay mayroong habang 1.9 kilometers.

Binubuo ito ng 100 coaches at bumabaybay ng 25 kilometers sa bundok na bahagi ng Swiss Alps.

Isasabay ng Switzerland ang pagkuha ng record sa pagdiriwang ng 175 taon ng Swiss railways.