Naglabas ng hatol ang international court na nilabag ng Switzerland ang karapatan pantao ng nasa 2,000 kababaihan.
Ayon sa European Court of Human Rights (ECHR) sa Strasbourg, France na bigo ang gobyerno ng Switzerland na gumawa ng hakbang para labanan ang climate crisis.
Ang nasabing kaso ay mula sa mahigit 2,000 na Swiss women kung saan karamihan sa kanila ay nasa edad 70.
Base sa kanilang reklamo na bigo ang gobyerno ng Switzerland na gumawa ng hakbang laban sa climate crisis na siyang nakaapekto sa kanilang kalusugan at nagdala ng pangamba ng pagkamatay.
Nakasaad pa sa desisyon ng korte na nalabag ang karapatan ng mga kababaihan para sa epektibong proteksyon sa seryosong epekto ng climate change sa kanilang buhay, kalusugan at kalidad ng pamumuhay.
Ito ang unang pagkakataon na naglabas ng desisyon ang korte ukol sa epekto ng climate change kung saan walang apela ang inilaan.