-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si President Ignazio Cassis ng Switzerland.

Ayon sa kampo ng pangulo na kasalukuyan na itong nakaisolate.

Naganap aniya ang pagpositibo ni Cassis ilang araw matapos na tanggalin ng Switzerland ang lahat ng mga coronavirus restrictions.

Wala aniya itong naramdamang matinding sintomas.

Nakatakdang bumalik sa kaniyang opisina ang 60-anyos na pangulo sa susunod na linggo.