-- Advertisements --

Dinagdagan ng Swiss Guard ang kanilang puwersa para sa pagbabantay kay Pope Francis.

Ang hakbang ay bilang paghahanda sa 2025 Holy Year kung saan inaasahan na ilang milyong pilgrims ang magtutungo sa Vatican.

Mayroong 25 miyembro ang idadagdag sa dating 135 na dating miyembro o katumbas ng 23 percent na pagtaas.

Para mapabilis ang recruitment ay nagbukas ang Swiss Guard ng kanilang contact points at media office sas Switzerland.

Ang mga Swiss Guard kasi na mga elite na nakasuot ng makukulay na damit ay nakatalaga sa Vatican City para bantayan ang Santo Papa.

Mula 19-31 years old ang kanilang hinahanap na ito ay katoliko at walang anumang sakit na dapat ay may tangkad ng hanggang 5 feet seven inches at nagtapos ng pagsasanay ng basic training sa Swiss army.

Maaari lamang silang magpakasal matapos ang paninilbihan ng limang taon.