-- Advertisements --
Patay ang Swiss cyclist na si Gino Mader matapos ang aksidente habang nasa kasagsagan ng stage 5 ng Tour de Suisse.
Base sa imbestigasyon na nasangkot sa high-speed crash ang koponang kinabibilangan ng 24-anyos na cyclist na Team Bahrain Victorious sa 21-anyos na si American Magnus Sheffield.
Nahulog pa sa isang balon si Mader kung saan dinala agad ito sa pagamutan subalit nalagutan na ito ng hininga habang nasa daan pa.
Bumuhos ang mga pakikiramay at kalungkutan sa mga kapwa siklista ni Mader matapos mabalitaan ang pangyayari.