-- Advertisements --
SWEDEN SUPPORTADO ANG PILIPINAS SA WEST PHILIPPINE SEA FIGHTER JETS INIALOK SA BANSA

Ito ang tiniyak ni Swedish Ambassador to the Philippines Annika Thunborg sa kaniyang naging pagbisita at pakikipagpulong kay National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. sa tanggapan ng Department of National Defense sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay SND Teodoro, kaugnay nito ay inaasahan ngayon na magkakaroon ng “global consensus” na naglalayong itaguyod ang 2016 Permanent Court of Arbitration ruling na kumikilala sa karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone nito sa West Philippine Sea.

Samantala, bukod dito ay tinalakay din ng dalawang opisyal ang modernization sa buong hukbo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Dito ay inalok pa ng Sweden sa ating bansa ang kanilang flagship multirole fighter aircraf na Saab JAS-39 Gripen.

Kasabay nito ay iginiit naman ni Teodoro na ang anumang defense acquisition na gagawin ng bansa ay dapat na magiging sustainable, interoperable, at supportable.

Kapwa nagpahayag naman ng commitment ang dalawang opisyal ng long-term partnership sa pagitan ng Pilipinas at Sweden kasabay ng pagpapalakas sa defense cooperation ng dalawang bansa.