Umarangkada na ang antigen testing sa UP College of Human Kinetics Gym para sa mga Bar Examinees, personnel at volunteers sa bar exam.
As of 1:00 PM kahapon umabot na sa 290 na Bar Examinees ang na swab at lahat sila ay pawang negatibo ang resulta.
Base sa inisyal na napagkasunduan, ang Korte Suprema ang magbibigay ng test kits habang ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) ang mangangasiwa sa rapid antigen testing ng higit sa 1,100 na indibidwal.
Nasa 20 health personnel ang itinalaga ng QCESU para sa testing activities na isinasagawa ngayong Pebrero 2, 2022 para sa mga bar examiness at Pebrero 3, 2022 para naman sa mga volunteers at personnel.
Sa kabilang dako, nasa 24 testing centers ang inaprubahan ng Supreme Court.
Para sa National Capital Region:
- Ateneo de Manila University Law School, Ateneo Professional Schools Building, 20 Rockwell Drive, Rockwell Center, Makati City (maximum of 269 slots)
- Manila Adventist College, 1975 San Juan Street, Pasay City (maximum of 450 slots)
- University of Makati, J.P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City (maximum of 1,000 slots)
- Far Eastern University, Nicanor Reyes, Sampaloc, Manila (maximum of 600 slots).
- University of Santo Tomas, España Boulevard, Sampaloc, Manila (maximum of 500 slots)
- Kasama din ang Manila universities, including the Manuel Luis Quezon University (MLQU), De La Salle University (DLSU), and the University of Santo Tomas (UST) UP Diliman sa Quezon City.
Sa Biyernes February 4 hanggang February 6 ang iskedyul ng BAR Examination.- Inanunsiyo din ng MMDA na magpapatupad sila ng re-routing sa mga lugar na ginawang testing sites dito sa Metro Manila.
- Partikular ang mga kalye malapit sa University of Santo Tomas (UST), Far Eastern University (FEU), at De La Salle University (DLSU).