-- Advertisements --
OVP SWABCAB MALABON ROBREDO 2
IMAGE | SWAB CAB pilot testing in Malabon City/OVP handout

MANILA – Sinimulan na ng Office of the Vice President (OVP) ang panibago nitong inisyatibo na layuning maka-agapay sa testing strategy ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Nitong araw nang ilunsad ng OVP ang “SWAB CAB.” Isang mobile testing program sa mga lugar na may matataas na kaso ng coronavirus.

“Under the partnership, the OVP, through funds from Kaya Natin Movement, provided antigen test kits and care kits containing face masks and face shields,” ayon sa OVP.

Ang lungsod ng Malabon ang nagsilbing pilot site ng programa. May basbas daw ito mula sa pamunuan ng siyudad na si Mayor Len Oreta.

Una nang sinabi ng OVP na dumaan sa konsultasyon ng medical experts, partikular na ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC), ang inisyatibo.

Ito ay para masigurong wastong maipapatupad ang layunin ng programa.

“HPAAC recommended prioritizing symptomatic individuals for the use of antigen test kits, which the OVP integrated in the Swab Cab process, alongside other protocols such as proper air and ventilation, physical distancing, wearing of face masks and face shields, and the quick conduct of the tests to ensure limited interaction.”

Limang barangay sa Malabon ang unang pinuntahan ng tatlong SWAB CAB’s na dineploy ng OVP.

Kabilang na rito ang mga barangay ng Longos, Potrero, Tonsuya, Tañong at Flores.

Ayon sa OVP, dalawang minuto lang inaabot sa proseso ng swabbing sa mga residente.

Tinatayang 419 na indibidwal mula sa nabanggit na mga barangay ay sumailalim sa libreng antigen test. Mula sa kanila, 24 ang nag-positibo.

“Contact tracing is being done alongside arrangements for isolation of positive cases, who will undergo confirmatory RT-PCR tests.”

“The buses used as testing areas were courtesy of UBE Express, while the LGU made the list of residents in need of testing, and provided swabbers and personnel for assistance and crowd control.”

Magbabalik operasyon ang SWAB CAB program ng OVP sa Malabon City sa April 6, araw ng Martes.

Sa pagdinig ng House Committee on Health nitong araw sinabi ni Usec. Maria Rosario Vergeire na isasama na rin sa reporting ng confirmed cases ang mga magpo-positibo sa antigen swab test.

Ang bagong polisiya ay ipapatupad lang daw sa mga lugar na sakop ng tinaguriang “NCR Plus,” tulad ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, at Batangas.

“We are working with WHO (World Health Organization) on this right now to draft the guidelines,” ayon sa Health spokesperson.