-- Advertisements --
Gagawin na sa Pilipinas ang susunod na laban ni dating world super flyweight champion Jerwin Ancajas.
Sinabi nito na gagawin sa Pebrero 2023 ang nasabing laban.
Ang 30-anyos na si Ancajas ay galing sa pagkatalo kay Fernando Martinez noong nakarang mga linggo.
Sa mga susunod na araw aniya ay iaanunsiyo nito kung saan at sino ang makakalaban niya.
Dagdag pa nito na aakyat siya ng timbang sa 118 pound division sa susunod nitong laban.
Mayroon siyang 33 panalo, tatlong talo at dalawang draw ang record.