-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinanggal na ni Agusan del Sur Governor Santiago ‘Santi’ Cane ang suspenyon sa klase sa lahat ng antas pati na sa trabaho sa mga pribado at pampublikong tanggapan sa probinsya na ipinatupad kahapon dahil sa mga pagbahang hatid ng iilang araw na pag-ulan dahil sa Low Pressure Area o LPA.

Ito’y base na rin sa inilabas na Executive Order No. 11 series of 2022 na nagpapawalang bisa sa EO No. 10.

Nakasaad sa pinakahuling kautusan na kailangang patuloy na i-monitor ng lahat ng mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Agusan Del Sur; Search and Rescue Agusan del Sur (SARAS), mga municipal at barangay officials, government employees at iba pang kina-uukulang indibidwal ang takbo ng panahon sa kani-kanilang mga lugar.

Inatasan na rin sila na gagawin ang tamang hakbang upang maprotektahan ang mga propiedad at buhay ng kanilang mga konstituwente.