-- Advertisements --
image 22

Nagdeklara ng suspensyon sa klase at trabaho si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw hanggang bukas ng Miyerkules dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Florita.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang deklarasyon ng suspensyon ay para sa government offices at sa lahat ng antas ng paaralan sa mga lugar ng National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan.

Sinabi ni Angeles na batay sa abiso ng Office of Civil Defense (OCD), makakaranas ng matinding pag-ulan sa mga nabanggit na lugar ngayong araw hanggang bukas kaya inaprubahan ng Pangulo ang deklarasyon na suspensyon ng klase at trabaho sa gobyerno.

Inirerekomenda naman ng Malacanang sa mga private schools at pribadong opisina ang pagdedeklara rin ng suspensyon.