Ikinokonsidera ng Maritime Industry Authority (Marina) ang pag-ground sa ibang mga sasakyang pandagat ng may-ari ng lumubog na oil tanker na nagdulot ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro.
Ayon sa legal service director ng Marina na si Sharon Aledo na mayroong dalawa pang vessels ang RDC Reield Marine Services na may-ari ng MT Princess Empress.
Sinabi nito na natalakay ang posibilidad na pag-suspendi ng certificate of public convenience (CPC) ng kompaniya.
Ang CPC ay iniisyu sa isang domestic water transport service provider para makapag-operate ng isang vessel para sa public use.
Una ng nabunyag sa Sendo na ang oil tanker ay hindi awtorisado para mag-operate sa domestic trade subalit nakapaglayag ito ng 9 na beses bago nangyari ang oil spill incident.
Sa panibagong findings din, nabulgar na hindi brand-new vessel ang MT Princess Empress salungat sa inisyal na claim ng mag-ari.
Kasalukuyang nagsasagawa din ang Marina ng dalawang imestigasyon kabilang ang marine casualty investigation para matukoy ang dahilan ng insidente at administrative inquiry.