Isinilbi na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 6 na buwang preventive suspension order laban kay Cebu city Mayor Michael Rama at 7 iba pang opisyal ng lungsod.
Subalit nang isilbi ang naturang suspension order sa Office of the Mayor kaninang umaga, walang ang alkalde at ang 7 iba pang opisyal.
Maalala na una ng ipinag-utos ng Office of the ombudsman sa Maynila ang preventive suspension laban kay Mayor Rama matapos makahanap ng sapat na basehan sa reklamong isinampa ng 4 na regular na empleyado ng City Assessor’s Office may kinalaman sa umano’y hindi nababayarang sahod at mga benepisyo ng mga ito simula noon pang Hulyo 2023.
Sinabi din ng mga ito na inilipat sila sa ibang mga opisina nang hindi binabayaran ang kanilang due salaries at mga benepisyo.
Samantala, sa isang press conference naman kahapon, iginiit ni Mayor Rama ang kawala ng due process sa pagpapataw ng suspensiyon sa kaniya at sinabing politically motivated lamang ang suspension order laban sa kaniya at mayroon aniyang sumira ng kaniyang pangalan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tikom naman ang bibig ng alkalde kaugnay sa sinabi nitong indibidwal na psoibleng nanira sa kaniya.
Sinubukan aniya na makausap ang Pangulo subalit hindi niya ito nakausap at sinabing wala siyang alam sa reklamong inihain ng 4 na empleyado laban sa kaniya.