CENTRAL MINDANAO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang holdupper ng bus sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang suspek na si Sammy Upahm, 37, may asawa at residente ng Mamasapano, Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya pumasok umano ang suspek sa public terminal ng Shariff Aguak, Maguindanao at nagdeklara ng hold-up sa Husky na may bus body #89.
Agad na nagresponde ang Shariff Aguak PNP sa pamumuno ni Major Erwin Tabora.
Kinausap ni Tabora ang suspek na sumuko na ngunit bigla raw itong bumunot ng baril kaya pinaputukan ng mga pulis.
Nadala pa si Upahm sa Maguindanao Provincial Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Napag-alaman din na sangkot ang suspek sa nangyaring agaw armas sa Cotabato City.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa naturang pangyayari.