Inilabas na ng US ang mga pagkakakilanlan ng suspek na namaril sa dalawang National Guard na nakatalaga malapit sa White House.
Kinilala ito bilang si Rahmanullah Lakanwal, na isang Afghan national at naninirahan sa Bellingham, Washington.
Sinabi ni DC US Attorney Jeanine Pirro, na gumamit ang suspek ng isang caliber .357 na revolver.
Nasa US si Lakanwal noon pang 2021 sa ilalim ng Operation Allies Welcome matapos na tulungan ang US sa Afghanistan.
Nabigyan siya ng asylum noong Abril kung saan wala itong masamang record at nagtatrabaho pa ito sa CIA bago makapunta sa US.
Magugunitang binaril ng suspek ang dalawang National Guards na sina Army Specalist Sarah Beckstrom, 20-anyos at ang 24-anyos na si U.S. Air Force Staff Sgt. Andrew Wolfe.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.
















