-- Advertisements --
Inaresto ng mga Swiss police ang suspek sa pamamaril.
Sa nasabing insidente na naganap sa bayan ng Sion ay mayroong dalawang biktima ang nasawi.
Ang mga biktima ay kinabibilangan ng 34-anyos na babae at 41-anyos na lalaki na residente ring ng lugar.
Matapos ang pamamaril ay agad na kinordonan ng kapulisan ang lugar kung saan nagsagawa sila ng checkpoint at paghahanap sa suspek.
Inaalam pa ng mga otoridad ang naging motibo ng suspek sa pamamaril.