CENTRAL MINDANAO – Naglabas ng warrant of arrest si Judge Henelinda Molina Diaz ng Regional Trial Court 12th Judicial Region Branch 61 sa Kidapawan City laban sa mamamahayag na si Dante Encarnacion Tabusares alyas Bong Encarnacion.

Ang kasong murder ay nag-ugat sa pamamaslang sa News Anchor ng Brigada News FM Kidapawan City na si Eduardo “Ed” Dizon noong Hulyo 10, 2019.

-- Advertisement --

Una nang nagsampa ng petition for review sa korte si Encarnacion kaya naantala ang pag-aresto nito.

Si Encarnacion ang itinurong utak o mastermind sa pagpatay kay Dizon dahil sa personal na away sa Kabus Padatoon (Kapa) International Ministry.

Binatikos din nang todo ni Dizon si Encarnacion sa kanyang programa na humantong sa pamamaslang sa biktima.

Walang nirekomendang bail bond ang korte sa kaso ng suspek.

Una na ring pinabulaanan ni Encarnacion na wala siyang kinalaman sa pagpatay kay Dizon.