LAOAG CITY – Naaresto ng mga otoridad ang suspek sa pagnanakaw ng malaking bangko sa Honolulu, Hawaii noong Martes, Disyembre 10, 2019.

Ayon kay Bombo international correspondent Manny Pascua, kinilala ng police departament ang suspek na si Mario Sagario at agad na kinasuhan ng second degree theft.

Sa impormasyong nakalap ni Pascua sa Honolulu Police, noon Disyembre 10, ay pinasok umano ni Sagario ang isang branch ng First Hawaiian Bank at pwersahang kinuha nito ang mga pera sa teller ng bangko at agad na tumakas ito.

Hindi na nabatid ang halaga ng pera na nakuha ni Sagario mula sa bangko.