-- Advertisements --

Isasailalim sa psychiatric evaluation hanggang sa huling bahagi ng taong ito ang pinaghihinalaang assassin ng Japanese na dating Punong Ministro na si Shinzo Abe.

Si Tetsuya Yamagami, unemployed na 41-anyos, ay kinilala ng pulisya bilang suspek na lumapit kay Abe sa isang campaign speech sa isang kanto noong Hulyo 8 at nagpaputok ng baril gamit ang handmade gun.

Ang korte sa Nara sa kanlurang Japan, kung saan nakatira ang suspek at nangyari ang pamamaril, ay nagbigay ng kahilingan ng mga prosecutors na i-hold si Yamagami para sa psychiatric examination.

Sa ngayon, hindi pa naglabas ng pahayag ang Nara prosecutors kaugnay sa nasabing balita.

Ang evaluation ay tatagal hanggang Nob. 29 at dito pa tutukuyin kung si Yamagami ay kakasuhan o hindi dahil sa shooting.