ZAMBOANGA CITY – Arestado ang isang miyembro ng criminal group na wanted sa mga kasong kriminal sa joint operation ng militar at mga pulis sa loob ng isang hotel sa Barangay Tirso Babiera sa bayan ng Ipil sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Batay sa report mula sa Ipil municipal police station, ang suspek ay kinilalang si Odih Wahab, residente ng Barangya Upper Pangi, Ipil.

Nabatid na si Wahab ay nasa number 1 sa listahan ng mga most wanted person sa Zamboanga Sibugay at nasa ilalim ng Barahama Ali criminal group.

Nahaharap siya sa mga kasong murder, robbery at highway robbery na parehong inilabas ng korte sa Ipil.

Isinasangkot siya sa panununog ng Toyota Hilux na PNP patrol at pagpatay sa rumispondeng sundalo na si S/Sgt. Juan Ablao noong Mayo 2, 2015 sa Barangay Tenan, Ipil.

Isa rin umano siya sa armadong grupo na nangholdap sa branch manager ng One Network Bank sa highway ng bayan ng Kabasalan ng nasabing lalawigan ng nakaraang taon kung saan milyong halaga ng pera ang kanilang nanakaw.

Maliban dito, nasa listahan din siya ng mga high value target drug personalities sa Zamboanag Sibugay na nangunguna sa pagbebenta ng shabu.

Narekober ng mga otoridad mula sa nahuling suspek ang isang unit ng caliber .45 pistol, dalawang magazine na may mga bala, tatlong fragmentation grenade, mga component ng bomba tulad ng blasting caps and detonating cord at ilang pakete ng hinihinalang shabu.

Patuloy namang tinutugis pa ang iba mga kasamahan ng nahuling suspek na nahaharap din sa patong-patong na kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here