-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng 41 buwan ang suspek sa pananakit sa police noong January 6 Capitol riot sa US.

Inilabas ni Judge Royce Lamberth ang hatol na tatlo at kalahating taon na pagkakakulong laban kay dating mixed martial arts fighter Scott Fairlamb dahil sa pagiging pasimuno ng madugong pag-atake sa US Capitol na sumusuporta kay dating US President Donald Trump.

Kasamas ni Fairlamb na dumalo sa pagdinig ng kaniyang kaso ang abogado nito, ina, asawa at kapatid na babae nito.

Nagmakaawa ito sa judge kung saan sinabi na pinalaki siyang isang mabuting tao.

Nauna ng naghain ng guilty plea ang 44-anyos na si Fairlamb sa dalawang kaso nito na obstruction of an official proceeding and assaulting, resisting or impeding certain officers.

Bilang bahagi ng kaniyang guilty plea ay pumayag itong makipagtulungan sa FBI at pagbayad ng $2,000 sa restitution.

Magugunitang ilang kapulisan ng Capitol Hills ang nasawi at nasugatan ng lumusob ang mga Trump supporters na kumukuwestiyon sa pagkapanalo ni Joe Biden sa pagkapangulo noong November 2020 elections.