-- Advertisements --
Inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) ang suspek sa human trafficking habang lulan ng isang RoRo o passenger vessel patungong Maynila ngayong araw.
Ito ay matapos na ipaalam ng Coast Guard sea marshals lulan ng MV Maligaya ang impormayson hinggil sa isa sa mga pasahero nito na mayroong outstanding arrest warrant.
Nang siyasatin ang manifestation ng pasahero , nakumpirma na lulan nga sa naturang passenger vessel ang suspek.
Natukoy ang suspek na si Alissa May Ropenta alias Ate Saysay na isa sa 2 wanted individuals na inisyuhan ng warrant of arrest ng Cagayan De Oro Regional Trial Court para sa Anti-Trafficking in Person.
Kaninang alauna ng madaling araw ngayong araw ng Sabado, inaresto ng Coast Guard sea marshals ang naturng suspek.