-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng Los Angeles County Jail ang lalaking akusado sa pag-atake sa pamilya ng Filipino national sa Los Angeles, California noong May 13.

May $300,000 na inirekomedang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na natukoy na si Nicholas Weber, 31, na akusado sa pag-commit ng hate crime.

Naaresto ng Los Angeles Police Department ang suspek noong June 21.

Base sa records sa korte, napag-alaman na mayroon ding iba pang criminal records ang suspek bago ang pag-atake nito sa pamilya Roque. Ilan sa mga kasong kinasangkutan ng suspek ay ang domestic violence at kaso ng pagnanakaw, pagmamaneho habang nasa impluwensiya ng alak gayundin ang paglabag sa kaniyang probation.

Matapos din ang kaniyang pag-atake sa pamilya ng Filipino national, nasangkot din ito sa robbery at public drunkenness.

Ayon naman sa isa sa mga biktima na si Patricia Roque na umaasa sila na makakamtan nila ang hustisiya ngayong nadakip na ang suspek.