DAVAO CITY – Kinumpirma ni Major Jerome De Guzman, hepe ng Mandug Police station na sinampahan na nila ng kasong murder ang suspek na nakilalang si Esteban Sabuang Adang Jr., ang itinuturong pumatay sa isang Deby Binarao asawa ng kanyang kalaguyo na si nakilalang si Gemma Binarao.
Ayon sa opisyal na maliban sa suspek sasampahan din nila ng kasong parricide ang asawa ng biktima kung saan hinihintay na lamang nila ngayon na mailabas ang warrant of arrest laban dito.
Una ng sinabi ng suspek na si Esteban na mahal niya ang asawa ng biktima kaya niya nagawa ang krimen at matagal na umano silang may relasyon nito.
Nabatid na pinagtataga ng suspek si Deby at inanud pa ang bangkay nito sa ilog.
Itinanggi naman ni Gemma na may relasyon sila ng suspek ngunit sinabi ni Police Major De Guzman na mahaharap pa rin ito sa reklamo dahil nito pakikipagsabwatan nito sa suspek.