ZAMBOANGA CITY – Dahil sa mahigpit na ginagawang hot pursuit operation ng mga otoridad, arestado na ngayon ang isang suspek dahil sa pagpatay sa kanyang pamangking pulis.

-- Advertisement --

Kinilala ang naaresto na si Felixberto Esperat, 60, na itinuturong nasa likod sa pagpatay sa kanyang kaanak na si Senior Master Sargeant Marjorie Ebol Mauricio ng Purok 1 Bacalso Drive, Barangay Labuan noong Pebrero 19 ng taong kasalukuyan.

Una rito, napatay ng suspek ang kanyang pamangking pulis sa pamamagitan ng pagtaga nito sa likod, kaliwang balikat at sa leeg.

Maging ang isang kasamahan nito ay nadamay na nagkaroon ng taga sa kanang balikat at kasalukuyang nagpapagaling pa sa ngayon.

Samantala, nahuli ang suspek sa dakong alas-7:55 kaninang umaga.

Kasong murder at frustrated homicide naman ang posibleng ikaso sa naturang salarin.