CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na ng kasong murder ng pulisya ang suspek na dating illegal drug rehab patient na umano’y responsble pagsaksak-patay ng kanyang live-in na kolehiyala sa Purok 9,Poblacion Sur,Don Carlos,Bukidnon.
Kinilala ni Police Regional Office 10 regional spokesperson Police Maj. Joann Navarro ang suspek na si Elson Jamisula,27 habang ang biktima ay si Kemberly Achas,22 na pawang residente sa lugar.
Sinabi ni Navarro na nagkainitan ang dalawa dahil sa pgpapasuso lang sana ng kanilang 9-month old na anak kaya humantong sa karumal-dumal na kremin.
Batay sa kuhang footage ng CCTV camera,pinaalis ng suspek ang kanilang mga kaanak at agad sinara ang pinto na bahay saka bugbog at hinampas ng upuan ang biktima na walang kalaban-laban.
Hindi pa nakontento ang suspek ay binasag nito ang kanilang table glass at ito ang ginamit pagsaksak hanggang nasawi ang biktima.
Kuwento ng suspek habang nasa loob ng kulungan na napuruhan ang biktima dahil ‘ahas’ na umano ang nakikita nito na tangkang lumaban sa sa kanya.
Magugunitang halos naputol pa ang leeg ng biktima dahil sa walang awa na pag-atake ng suspek noong hapo ng Sabado,Marso 11,2023.