-- Advertisements --

Posibleng magkaroon ng malungkot na Pasko ang mga residente ngayong taon sa Surigao del Sur matapos na kanselahin ang lahat ng Christmas party sa LGU, provincial, municipal at barangay level para magamit ang pera para makatulong sa mga naapektuhan ng lindol.

Matatandaan kasi na kasalukuyan pa lamang silang nasa recovery stage matapos ang tumamang magnitude 7.4 na lindol.

Ikinatuwa naman ng mga residente ng Surigao del Sur na walang naitalang fatalities sa kanilang lalawigan sa nagdaang bagyong Kabayan.

Sinabi ni Surigao del Sur Gov. Alexander Pimentel na una siyang nag-aalala na masisira ng Kabayan ang mga imprastraktura na naapektuhan na ng magnitude 7.4 na lindol noong nakaraang buwan.

Aniya, nag-utos din siya ng forced evacuation bago ang bagyo, na nakaapekto sa 49,000 pamilya o katumbas ng kabuuang 181,000 indibidwal.

20,000 pamilya ang nakatakdang umuwi ngayong araw matapos ibigay ng gobyerno ang ‘all-clear’ o go signal na maaari na silang makabalik sa kanilang mga tahanan dahil wala ng banta ng pinasala.

Gayunpaman, sinabi niya na ang mga aftershocks na may sukat na kasing taas ng magnitude 6.8 ay patuloy na nakakaapekto sa lalawigan.

Sinabi ng gobernador na magpapatuloy ang klase sa Surigao del Sur sa susunod na taon upang bigyang-daan ang pagkukumpuni ng mga nasirang