Hawaii surfer

LAOAG CITY – Pinarangalan ng Maui Police Department ang isang surfer matapos sinagip ang limang katao mula sa umatakeng Tiger Shark.

Sa ulat ni Bombo international correspondent Manny Pascua sa Hawaii, nakilala ang surfer na si Triston Kahookele Santos, 20, empleyado ng isang hotel sa Wailea, Maui.

Aniya, sa report mula sa police department, kasama ni Santos ang limang surfers mula sa Washington nang pumalaot sa dagat.

Biglang dumating naman ang isang malaking Tiger Shark na may tatlong metro ang haba sa lokasyon ng mga surfers.

Sinabi ni Pascua na nakipaglaban si Santos sa pating at hinampas gamit ang surfing board.

Wala namang nasaktan sa insidente at maayos naman nakapunta sa pampang ang limang surfers.

Ibinigay ng police department ang pinakamataas na civilian honor kay Santos.