-- Advertisements --

Pinuri ni House Committee on Appropriations Chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang pagsisikap ng Korte Suprema na pahusayin ang sistema ng hustisya ng bansa sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon sa mga panawagan para sa katiyakan at pagiging patas.

Sa isinagawang budget deliberation ng Judiciary, hiling nila ang P57.78 billion budget sa ilalim ng 2024 National Expenditures Program, mas mataas kumpara sa P54.90 billion na kanilang natanggap nuong General Appropriations Act.

Ipinagmalaki ng Supreme Court en banc ang paglulunsad nila ng kanilang programa ang “Strategic Plan for Judicial Innovation: 2023-2027” sa pangunguna ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

Ayon sa mambabatas, ang Judicial Department ay nakatuon sa mga hakbangin upang mapabuti ang paghahatid ng hustisya at tumugon din sa pangangailangan at kapaki-pakinabang na sistema ng hustisya.

“We admire the effort of Chief Justice Alexander G. Gesmundo and the Court en banc in launching the policy document ‘Strategic Plan for Judicial Innovations: 2022-2027’ under the context of ‘models and mindsets of old would no longer suffice to allow the Philippine Judiciary to operate with utmost competence, efficiency, and efficacy’,” pahayag ni Rep. Co.

Ayon kay Co, ang mga hakbangin na ito ay bahagi ng isang “mas malaking pananaw na magtatag ng isang sistema ng hustisya na hindi lamang nagtataguyod ng panuntunan ng batas ngunit nagbibigay din ng kapangyarihan sa mga indibidwal at negosyo na umunlad sa isang kapaligiran ng may katiyakan at pagiging patas”.

“We have to respect and consider its budget proposal in the performance of its constitutional mandate to render and dispense justice,” paalala ni Co.

Malaking bahagi ng P57.78 bilyong proposed budget ng Judiciary para sa susunod na taon ay mapupunta sa Korte Suprema at Mababang Korte sa P49.57 bilyon, na sinusundan ng Court of Appeals (P3.810 bilyon); Sandiganbayan (P2.203 bilyon); Court of Tax Appeals (P737.5 milyon); at ang Presidential Electoral Tribunal (P165.7 milyon).