-- Advertisements --
cropped Supreme Court 1

Nagpasya ang Supreme Court (SC) na payagan ang pagsasagawa ng lahat ng paglilitis sa korte o court proceeding sa pamamagitan ng video conferencing.

Inihayag ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo na alinsunod sa kanilang mga pagsusumikap tungo sa isang technology-driven Judiciary, nagpasya silang payagan ang pagsasagawa ng lahat ng court proceeding sa pamamagitan ng videoconferencing kahit na matapos ang (Covid-19) pandemic.

Sinabi ni Gesmundo “ang SC Committee on Virtual Hearings and Electronic Testimony ay nagtatrabaho na ngayon kaugnay sa mga patakaran.”

Ang video conferencing ay “live, visual na koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang malalayong partido sa internet na nagtutulad sa isang harapang pagpupulong.

Maaaring makasali rito ang mga taong karaniwang hindi makasali sa face-to-face connection.

Magugunitang, sa pagsisimula ng pandemya ng Covid-19 noong unang bahagi ng 2020, pinahintulutan ng SC ang mga trial court at mga hukuman sa paghahabol na magsagawa ng mga pagdinig sa pamamagitan ng ganap na malayuang video conferencing na na-pilot-test sa iba’t ibang hukuman noong huling bahagi ng 2019.

Ipinunto ni Chief Justice Gesmundo na “ang mga pagsulong ng teknolohiya ay humuhubog na kung paano tayo nagtatrabaho at kung paano tayo nabubuhay; sa katunayan, binabago na nila ang lipunan mismo — at dapat tayong maging handa na iangkop at gamitin ang mga ito para sa ating benepisyo, at para sa kapakinabangan ng mga taong pinaglilingkuran natin.