Maraming mga supporters ni dating prime minister ng Pakistan na si Imran Khan ang nasugatan matapos na makasagupa ang mga kapulisan.
Isisilbi sana ng mga kapulisan ang
dalawang arrest warrant dahil sa corruption at terrorism laban Khan ng harangin nila ito sa kaniyang bahay sa Lahore.
Dahil na rin sa nasabing insidente at hiniling ng kapartido ni Khan sa chief justice ng Pakistan na itigil ang pag-aresto sa kaniya.
Hinala ng kampo nito na nais lamang na mapigilan ang dating prime minister na muling lumahok sa halalan.
Giit nila na natatakot sila dahil sa malakas ang tsansa nito na muling manalo.
Magugunitang nagbunsod ang kaso ng tumanggap ito ng lagay sa isang malaking kumpanya para ito ay paburan sa ipinapatayong proyekto nila.
Noong Abril 2022 ng mapatalsik si Khan at pinagbintangan pa ang pumalit sa kaniya na si Shehbaz Sharif na siyang nasa likod ng tangkang pagpatay sa kaniya noong Nobyembre.