BOMBO DAGUPAN – Nagsisimula ng magka-ubusan ng mga supply ng pagkain at tubig sa ilang pangunahing pamilihan sa Jerusalem sa Israel.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Analiza Abellana, ang Bombo International News Correspondent sa naturang bansa, nagsisimula na kasing magpanic buying ang mga residente gawa ng nararanasang giyera sa bansa.
Aniya, tila normal na ang mga kaganapang ito sa mga Israelita dahil mayroon na rin silang inihandang mga shelters at dito sila nagtatago sa tuwing nagpapatunog ng serena ang mga hukbo ng Israel.
Base aniya sa kaniyang mga nakakalap na ulat, ilang dekada na umanong nagkakaroon ng pananakop ang mga terorista sa bansa at magpahanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang mga kahalintulad na sitwasyon.
Sa kasalukuyan, nananatili pa aniyang tahimik ang Jerusalem ngunit mayroong lumalabas na ulat na nakikiisa na rin ang Iran sa pananakop ng Palestinians sa naturang bansa.